Thursday, June 9, 2011

Anekdota ni Pao-Pao

Nong isang araw, ang ligalig namin nila mama at Pao sa bahay. Nakaupo lang ako sa sahig habang si Pao ay nakahiga pa sa air-bed naming. Marami kaming pinag-kekwentuhan nong oras na yun. Nag-tatalo kami minsan sa mga simpleng bagay, nagtatawanan kami nang bongga sa mga nakakabaliw na nangyari sa min dati, nag-aalala kami sa mga problemang hinaharap namin ngayon. Pero higit don ang pakikinig lang namin sa mga walang kwenta man o may kwenta naming usapan.

Tapos may nabanggit si Pao tungkol sa madalas kong pag-susulat ng maikling kwento. Sabi nya di nya raw kayang mag-sulat tulad ng ginagawa ko. Minsan naiinis na sya sa kin, kasi tuliro ako sa pag-iisip ng mga kwento. Sabi ko sa kanya, punung-puno kasi ng magagandang kwento yung utak ko. Imbakan ba kumbaga ng bago at lumang kwento. Kwentong nagmumula sa karanasan ko’t sa obserbasyon ko sa mga tao. Minsan naman ang ginagamit ko eh taong malapit o di man sa kin at nagkainteres ako sa storya nya..

Ganito kami mag-usap magkapatid- paliwanag kung paliwanag. May mga pagkakataong para nya kong guro, at estudyante ko sya at kung minsan malambing ako habang kausap ko sya, yung tipong hahaplusin ko pa yung dry hair nya..haha

                 At kapag gumanti sya paninindigan nyang para pa rin syang limang taong gulang kong kapatid. At dahil don, nagawa naming maglakbay sa isang karanasan namin na pag-kasaya-saya. Napag-usapan naming yung unang pagkakataong nagpabunot sya ng ipin.


Unang banat ko pa lang nito,’ O naalala mo ba nong 5 years old ka’t para kang baboy habang binubutan ka ng ipin?’ Di na kami magkamayaw sa pag-halakhak.

Sumagot si Pao nang, ‘ Muntikan ko  na ngang masipa yung buntis kong dentist eh.’

‘ Grabe ka talaga non para kang kinakatay na baboy sa pagwawala’t pag-iyak.’ Tuloy pa rin ang pagtawa namin.

              ‘ Buti nga binilan ako ni Tita Mary ng slurpee non.’ Sagot ni Pao.

Hanggang sa tinulungan na nya kong gawing Ingles yung pag-uusap naming kasi nabanggit ko sa kanyang gusto kong gawan ng storya yun. Natuwa ako sa kanya lalo dahil alam nya ang simple kong kaligayahan.

Pao: When I was 5 years old, I went to my dentist for the very first time. I was really scared of what she’s about to do with my poor tooth. When she started to pull out the ‘broken’ (yes, that’s her term.hehe) tooth, I began to scream like a butchered pig and I almost kick my pregnant dentist. I was crying out loud and my sister and aunt even wanted to hold both my arms and legs to control my unmanageable outburst. Finally, a moment came when my dentist was about to show my ‘broken’ tooth. I slowly ceased in crying and felt the relief when alas’ Auntie Mary grabbed me a slurpee. I was ok, then.
Wohoo! Haha.. Natapos ang kwentuhan naming kasi Showtime na kaya itutuloy ko na lang yung kwento sa isip ko maaaring pag-alis ko ng bahay o habang naliligo ako o basta may oras ako. Hanggang sa susunod na masayang kwentuhan, kapatid ko. Pinasaya nya ko!

2 comments: