Ang tagal na nong huli kong balik
dito sa Pilipinas. Modernong-moderno na ang mga gusali lalo na dito sa
Makati. Fashionista na rin ang mga kababaihan. Halus lahat ng
mga sasakyang nakakasabay ko sa kalsada ay Porsche, Mercedes-Benz. Nalula ako
sa ganda ng mga iyon.
“Ate, sobrang namiss kita. Ang laki na ng pinagbago dito matapos kang mangibang bansa,” banggit ni Cathy sa akin.
“Oo nga eh,” maikling sagot ko sa kanya bago ako pumunta sa isa sa mga byaheng di ko makakalimutan.
Unting oras na lang at makikita na kita.
Sa halus labin-limang taon kong pagtatrabaho sa Italya, nakapundar naman ako ng bahay at nakabili ng itim na kotse para sa pamilya ko. Naiibigay ko din naman sa kanila ang mga luho nila at higit doon plano ka na ring maging supplier ng mga Auto parts, sana palarin na makahanap ng mga kliyente.
Laking pasasalamat ko sa sasakyan ng lolo ko’t nakatulong iyon para makapangibang-bansa ako. Noong namayapa si lolo ay naibenta ng nanay at tatay sa isang Vintage shop ang kahel na sasakyan ni lolo.
“Bpppp,” busina ng nasa likod kong drayber.
Nakatigil pa rin ang sasakyan ko kahit na berde na ang kulay ng stop light. Siniko ako ni Cathy at tinanong kung ok lang ako. Sumagot ako ng oo. Matapos ay nag-maneho ako muli. Nag-umpisa nang bumalik ang mga ala-ala ng byahe ko kasama ang aking lolo.
“Lolo, nakakahiya naman itong sasakyan natin. Ang ingay ng tambutso at kitang-kita tayo tayo sa labas,” sambit ng 7 gulang na si Cynthia.
“Mahal na mahal ko tong sasakyan kong ito,” sagot nya habang nakasuot sa bibig nya ang bimpo, pananggalang sa usok.
Ang aming sinasakyan ay tinatawag na Sakbayan. Pinag-ipunan yun ng lolo habang sya’y nag-tuturo ng mga mag-pipiloto balang araw. Iyon ay kulay kahel, maaring makasakay ang 5 hanggang 6 na katao. Wala itong pintuan at tanging itim na trapal lang ang pumoprotekta sa amin mula sa loob. Ramdam ko ang hiya sa tuwing kami ay babyahe gamit ang sasakyang iyon. Palaging katabi ni lolo si lola sa kanan nya, samantalang kaming mga mag-kakapatid ay nasa likod. Nakayuko at pahapyaw lang tumingin sa kalsada.
“O, Ate Cynthia andito na tayo sa Quezon City. Naalala mo na naman ang makasaysayang byahe natin noon?” napansin ni Cathy ang byahe ng isip ko sa ibang lugar.
‘Oo,” sabay tingin sa kanya’t humagikgik na kami sa katatawa.
“Naalala mo ba yung tumigil ang sasakyan natin sa kahabaan ne EDSA at kailangan nating itulak iyon?”
“Oo naman. Pano ko makakalimutan yung mga matang nakatingin sa sasakyan natin habang nagtataka sa kakaiba nitong itsura?”
“ Buti na lang at may mga nag-magandang loob para tayo tulungan doon kungdi ay nako sasakay na ko sa ibang jeep.”
Ang daming nakikipagsabayan sa ming mga sasakyan, ang iba'y talagang humaharurot sa byahe-- baka na-llbm iniisip ko na lang. At sa kahabaan ng Kamuning Road, napakapit ako sa manibela ko nang makita ko ito.
Rallos Street.
“ O ate, liko ka na sa kalsadang yan.”
Paliko na kami ni Cathy sa isang kalsada at napansin ko na ang napakaraming nakaparada na lumang sasakyan. Merong Beetles, Mustangs, Chevrolet, Sakbayan. Nanlambot ako nong nakita ko ang Sakbayan. Pinaganda at binago ng pagawaan nito ang mga mistulang lumang tsikot, pero mas natuwa ako nang makita kong di nila binago ang kulay kahel na sasakyan ni lolo at mas lalo pa nila itong pinatingkad.
“Ma’am, bibilhin nyo po ba ito?” tanong ng May-ari sa akin.
“Oo naman, matagal na ba ito dito?” umaasang ang pinagbentahan ng sakbayan ni lolo ay ang may-ari nito.
"Opo, ma'am," sagot nya habang patuloy ko itong pinagmasdan.
Hindi man iyon ang mismong sasakyan ng lolo ko dahil marahil iba na ang nag-aalaga dito. Nakita ko naman ang kamukhang kamukha nyang sasakyan. Sapat na para ito’y aking bilhin, mas lalong pagandahin nang maibyahe ko naman sa kahabaan ng EDSA nang nakangiti, magaan ang loob at ipinagmamalaki ang bagong luma kong sasakyan.
Inuna ko ito, higit sa kung ano pang gastusin. Sa susunod na ang mga makabagong sasakyan pag kumita na ako ng malaki sa aking negosyo.
--30--
No comments:
Post a Comment