Noong bata ako, pangarap kong maging abugado. Lumaki raw kasi akong pilosopo sabi ni lolo. Pinag-bibigyan nya kong magpaliwanag, mag-kwento,gumawa ng sarili kong kwento, kahit kwentong barbero, pede kay lolo yun, di nya ko pagagalitan, at mag-eenjoy syang makinig. Kapag naikekwento ko sa kanya ang pangarap kong yun, di nya sinisingit ang kagustuhan nyang mag-AFP ako. Sya pa ang nag-sabi na dapat mahusay ako sa Math, kasi ang kursong dapat kunin ko ay Certified Public of Accountant (CPA)- pre course yun bago mag-abugasya. Sadyang ginalingan ko nong bata ako sa Math. Madalas matataas ang grado na nakukuha ko nong elementarya ako.
Masaya ang lolo ko sa mga grado ko lalu na sa Math—kadikit kasi yun ng pangarap ko. Pero nong nag-Highschool ako, pumurol ang utak ko sa Geometry, Statistics at Trigonometry. Totoo pala talagang mahirap ang asignaturang yun—sinisiw ko kasi dati ang Multiplication table, common denominator at fractions eh. Pero nag-iba dumagdag na ang Adjacent angle, parallel at perpendicular sabayan pa ng madalas na pag-gamit sa graphing paper. Yan ang natatanging asignaturang nagturo sa kin para mangopya tuwing may exam. Di pala dapat ako laging kumportable sa mga nangyayari sa Math life ko. (Marerealize ba yun ng 12 year old self ko, syempre hindi?)
Hanggang sa naranasan ko ng magkaroon ng 79. Perst taym yun, kaibigan! Iniyakan ko nang husto yun. Bumaha nang luha ko ang klasrum ng St. Luke, section ko nong 3rd year Highschool at kinailangan ko ng isang rolyo ng tissue sa pag-bagsak ng mga pangarap ko. Naglulupasay ako sa kakaiyak. Jowk! O.A lang, umiyak lang ako nang pahapyaw.
Buti na lang, niligtas ako ng pangalawang pangarap ko ang maging, Stage Actress.
Pag-actingin mo ko ng kung anu-ano simula seryoso hanggang nakakatawa—patok yan sa mga classmates, schoolmates at teachers ko. Siguro nga mas magiging masaya ako pag natupad yun. Kung anu-anong stage plays ang sinalihan ko-- naging tomboy ako, naging Maria sa Sound of Music, nanay, taumbayan.. Ansayang balikan nang mga ala-alang yun.
Kaso habang tumatanda ako, nagiging parte na ng buhay ko ang mga dati-rating mga pangarap ko, di man ako isang propesyunal na abugado o stage actress.
Natupad naman ang di ko man lang maisigaw at maipagmalaking gawain noon. Ang mag-sulat. Itanong mo ko kung ilang journals at diary ang meron ako sa bahay?
Ilan? Di ko kayo marinig. Ilan? Syempre di nyo alam.
Tumataginting na 10!
Bawat tao ay may panghihinayang, may lungkot, may sobrang nakakatuwa at nakakabilib na storya ng pag-pupunyagi! Yung aking storya ay simple lang, pero bumabaha ako sa pag-asa at pananalig sa taas.
Di ko man natupad na maging abugado at stage actress, naging kwentista (taga-kwenta ng mga pera),guro at manunulat naman ako. Mga magagandang propesyun na humubog sa kin. Di ko na nga rin naalala yung mga grado ko noon. Tanong uli: Kailangan ba talaga yun? Siguro, pero di batayan at sukatan ng pagkatao’t tunay na kakayanan.
Siguro di na rin pinahintulutan, kasi baka meron mas malaking nakalaan para sa kin. Isipin ko kung naging abugado ako, marahil madalas akong nakikipag-debate. Di ko gusto yung ganon kasi tatawa ako pag seryoso na ang usapan at mabulol pa ko. At kapag naging stage actress naman ako, lagi akong nakasuot nang makapal na make-up kapag may pagtatanghal. Ayoko rin naming araw-arawin yun, kasi baka magka-allergy ang fes ko’t di na ko makilala ni Mr. Right. Sa madaling salita, nag-iba na ang mga gusto ko.
Pero isa sa mga tanyag kong pangarap ay mananatili-- yun ang maging mabuting anak, kapatid, kaibigan at balang araw ay asawa’t ina-- tama ang Mabuting Ako! Sumunod na doon ang maging mahusay na manunulat at negusyante.
Sa tuwing iisipin ko kung ganu na kalaki ang sakripisyo ko sa mga taong minahal ko’t mahal ako di na ko tumitigil para ipag-patuloy ang mga nasimulan ko.
Di ko man matupad ang pagkarami-rami kong pangarap sa isang kindat, isang padyak ng paa at lunday ng buhok. Matutupad din yung iba doon pag tama na ang panahon at lugar at kapag mas napag-tibay na ng panahon ang karakter na dinesenyo para sa akin.
Ngayon, tuluy-tuloy lang ako sa paghawak sa papel at bolpen ko. Paumpisa pa lang ang pag-bubuo ko sa storya ng aking mga ilan-ilang pangarap. Hinay-hinay lang. Ngingiti, papalakpak, tatalon, sasayaw, tatambling at mag-didiwang din ang mga taong marunong mag-hintay! J
Thanks for being my Ate here in ENOZ.. I will surely miss you.
ReplyDelete-Kam
Hi Binibining Author:
ReplyDeleteMaraming salamat sa mga stories mo na nabasa ko:-) hehe
I'll always check your blog kahit aalis ka na^_^
It's true that the wisest thing to do is to wait patiently and joyfully. God is always reminding us sa word nia. What I can share is that "God has a plan in your life, partner with him always. God bless po:-)
-russel^&^_
Aww. Thanks, Kam and Russel! I'll miss you both.:)
ReplyDelete