Tuesday, October 18, 2011

His road


Naniniwala ako sa salitang, ‘Hinay-hinay’ lang. Yung mga pangarap natin-andyan lang sila. Di sila mawawala. Nasa isip at puso lang natin ang mga plano natin, kailangang gisingin sa oras na kailangang-kailangan na. Minsan kasi pag masyadong mahal natin yung pangarap natin-nakakasakal din. Kailangan din lumaya ng mga pangarap natin, kasi in some point marami o may mga ilan-ilang tao din ang nangarap non. Di ibig sabihin non pakakawalan natin yung buong pangarap natin. Sabi nga ni Bro. Bo Sanchez, “Let go of your attachment of your dreams. Let God’s version of your dreams manifest.”

The more I realized that life is fruitful and awesome-the more I want to let go of unneccessary baggages. Minsan kasi isa rin akong garbage collector- I mean, self-absorbed at Sponge-thins ng ibang tao din. Kahinaan ko yun noon (at alam kong di pa ganap na maayos yun sa kin hanggang ngayon, kaya unti-unti lang ang pag-babago). Ang tunay na pag-babago ay matagal na proseso.
Ang kagandahan lang namin sa kin ay, I take His Road. Alam kong di ako maliligaw. Yun na yun. Alam kong mas masunurin na ko ngayon. Siguro yun ang pinaka-magandang regalo mabibigay ko sa Kanya. Minahal nya ko’t binago, dahil don nais kong suklian Sya ng buong pagmamahal din.:)

Sabi nga ng kanta, "Love is the answer." Do everything out of it.;)

No comments:

Post a Comment