“Mama, may bago na naman pala tayong pabo, parang ang dami-dami ng bagong alagain dito sa tin ha.” sabi ni Rissa sa kanyang mama.
“Eh, alam mo naman ang papa mo mahilig talagang mag-alaga ng kung anu-anong klase ng mga hayop.” sagot ni mama habang naglilinis ng kulungan.
Pagkatapos kong magtanong agad-agad na kong pumasok ng bahay, minsan kasi di ko na rin maintindihan kung bakit taun-taon na lang eh may mga bago kaming alagain. Madalas doon na lang nila binubuhos ang atensyon nila kay Roderik, kay miming, kay Mr. Dog. Sa sobrang dami naming pabo, pusa, kalapati, aso, baboy at manok di ko na maalala yung pangalan ng iba. Naguguluhan ako sa ingay at baho ng bakuran namin. Buti na lang at bigla kong naalalang may bago pa lang bisikletang binili si papa para sa kin. Alam nyang pangarap kong magkaroon non, kaya nong nag-sampung taon ako nong nakaraang Pebrero, niregaluhan nya ko ng isang bisikleta. Binenta ni papa ang ilan sa mga alaga nyang hayop para maregaluhan ako. Agad agad akong lumabas uli ng bahay para masulyapan ang bisikleta ko, wala pa rin itong karumi-rumi at mukhang bago.
“Anak, parang wala kang balak na gamitin yang regalo ng papa mo ha.” Pag-alala ni mama sa kin.
“Mama, kahit anong gawin ko, banu-bano ako sa pag-bibisikleta.”
“ Rissa, isang beses mo pa lang naman sinakyan yan eh, subukan mo uli.” Tumatawang sagot ni mama.
“Eh, ayaw ko ng madagdagan ang mga peklat ko dahil sa ilang beses kong pag-semplang.”
Napangiti na lang ang nanay sa sagot ko’t nag-walis muli.
Lumipas ang mga linggo at bakasyon na. Madalas na umaalis ako ng bahay kasama ang bisikleta ko, pero di ko man lang ito sinasakyan. Ang mga ilan naming kapitbahay ay nagtataka na rin sa hindi ko pag-angkas dito, sayang naman daw. Palibhasa ako lang ang natatanging bata sa lugar namin na meron nito, yun di siguro ang dahilan kung bakit napaka-sipag at bilis ng mga kalaro kong mag-lakad patungong paaralan. Bigla akong nahiya sa sarili ko, kaya nagmadali akong umuwi pero di ko pa rin sinakyan ang aking bisikleta. “Aray!” bigla kasing kumirot yung peklat ko, pero peklat na naman yun? o baka kinakabahan lang ako sa iniisip ko.
Malapit na ko sa bahay ng marinig ko ang ingay ng pabong paboritong paborito akong asarin habang ito’y nasa kulungan. Sa tuwing makikita nya ko, ibubuka nya ang kanyang maiitim na pakpak at sabay mag-iingay nang nakaririndi. Nakipag-sabayan ang iba pang mga pabo. Bukod sa ayoko sa itsura,kulay at ingay nya ay natuka na rin nya ko sa binti. Sumunod na ang ungol ni Mr. Dog. Dali-dali ko ng inilagay sa gilid ng bakuran ang bisikleta ko at pumasok ng bahay.
“Andyan ka na pala Rissa.” banggit ni papa habang ako’y lumapit para mag-mano.
“Papa, akyat na po ako sa itaas.”
“Kararating ko lang ha, baka pwede namang turuan kitang mag-bisikleta uli.”
“Ehhh, papa naman- natatakot akong mag-pedal. Iangkas mo na lang ako.”
“Hay tong batang to, halika na’t tuturuan kita.”
Wala akong nagawa kungdi sumunod sa kanya. Kinuha ko ang aking bisikleta at sinubukan kong mag-pedal. Unang sabak pa lang, tumumba na ko. Pangalawa, nagtapang-tapangang lang ako’t nakapedal hanggang dalawang ulit, nakaramdam ako nang unting kumpyansa kaso ilang segundo lang at sumemplang na naman ako. “Sige, lang!” Pangungulit ni papa. Umulit ako ng pangatlo, pang-apat hanggang di ko na mabilang kung ilang beses kong sinubukang ibalanse ang pag-papatakbo ng bisikleta. Wala talaga.“Waaaaahh! Suko na ko, papa!” nangingilid na ang luha ko’t habang tumutulo ang pawis sa mukha ko.
Hindi na ko muling pinilit ni papa at sya na rin ang humawak ng bisikleta ko habang pauwi ng bahay. Dumaan ang mga araw na nakatambay na lang ang regalo ni papa sa aming bakuran, at naglaho na ang pagnanais ko na mapaandar ito kahit sa parke man lang o patungong paaralan. Habang ako’y nag-iisip, bumungad na naman si Pablo, ang pabong malugod akong inaabangan para tukain. Nagalit ako sa kanya’t sinabing, “Wag mo nga akong tingnan!” Nag-ingay ito habang bubukas-sasara ang mga pakpak. Nag-punta ako sa aking biskleta, hinawakan ko ito nang di mag-laon eh, di nasara nang maayos ni mama ang kukungan ng mga pabo at nakawala si Pablo. Tumakbo ito papalapit sa kin, habang nag-iingay at hinabol ako. Dahil sa takot ako’y napasakay bigla sa bisikleta’t sumisigaw kay mama na papasukin ang pabo sa kulungan. Di ako pinakinggan ni mama at tinawag na nya si papa hindi para patahimikin at pakalmahin ang mga pabo kungdi upang panoorin ako habang napepedal ko na ang bisikleta’t, nakakaandar na ko sa buong bakuran kasabay ng pag-iingay ng iba’t ibang klase naming mga hayop. Nanginginig ako sa kaba, pero ramdam kong patuloy ang pag-pedal ko’t nakailang ikot din ako.
Tumigil na lang ako ng sabihin ni papa, “O musta ang pag-pepedal? Wari di ka mapigil ha, kailangan lang palang takutin ka ni Pablo.” nang-aasar na sambit ni papa. Habang si mama naman ay pinapatuloy na muli sa kulungan ang mga nakawalang pabo. Tumakbo ako mula sa bisikleta at napa-akap ako sa aking papa, dahil bukod sa hapo at takot na naramdaman ko ay unti-unting nag-bukas ang isip kong kaya ko pala.
“Papa, pinilit kong mag-pedal nang matulin dahil ayokong matuka.” sagot kong may namumuong kumpyansa sa aking sarili.
“ O sya, subukan mo naman sa parke.”
“ Pero kailangang dalhin si Pablo doon o kaya hanap tayo ng malaking aso para habulin ako?”
“Hindi mo na kailangan yun. Sige, ha bukas na bukas dadalhin ko sina Miming at Mr. Dog habang pinanood kang mag-pedal nang mag-pedal nang mag-pedal.”
* This is based on a true to life story of someone who loves biking, but learned it the hard way.;)
Wowowowowowow!!! very nice story by a very good writer!. Kawawa naman ung bata. Atleast my achievement di ba? I like ung pagkasulat mo po.(page turner sana pero iisang page naman) hehe.. We will just call it "page returner". Gusto mo balikan ulit ung events. hehehe. God bless sa writing career mo po Teach Thina^_^
ReplyDelete_rhuz_
hello teacher tina...i like it and naka relate ako dun sa bata..ganyang ganyan din ako nung una..hindi marunong magbike...pero it has a deeper meaning more than that..right?..hahahahahahahahahahaha... :)
ReplyDeleteclaudette :)
Hello Tina :))
ReplyDeletePagkatapos mong panuorin ang movie ko (HAHAHA) Ito naman ang inatupag ko. Akalain mo yun, kaninong kwento to? Sabihin mo pareho sila ng tatay ko.. maraming alagang hayop. Ahahaa!! Nice One Teach! :)) More! More!!
-Vhian..love love
At talagang sineryoso mo to mare!Hehe..
ReplyDeleteGusto ko lang malaman mo, gusto ko tong blog na'to.Nagustuhan ko siya,kasi kaw yung nagsulat,at akin yung kwento.nyehehe.at yung interest mo sa kwento ko.Thanks sa pakikinig, at thanks sa pagbo-blog. MArami pa akong kwento,gusto mo?hehehe.Ikukuwento ko naman sayo yung bout sa tsenelas..Chikahan nalang tayo pagkatapos ng kalbaryong ito..hehehe
hahaha.. ang kulet ng story..^^ naalala ko before want na want ko magka-bike pero my papa is di tumupad sa usapan namin.. huhu.. niweiz, very good job for the story.. hehehe..^^ na-miz kita kausap pag uwian, i just hope mkauwi ako ulet ng pandacan ksabay ka.^^ Miss you my friend.^^ muah!!
ReplyDelete*rae*
Naka2tuwa naman ang story talaagng dapat habulin pa sxa at tukain ng pabo para matuto mag bike.. isali mo pa ung mga ibang alaga ng tatay nya para mas lalo sxa matuto mag bike.=)
ReplyDeleteNice one, Thins! Hehe galing ng storytelling at naremind ako ng mga unang semplang ko sa bisikleta. Bike na tayo! Magbbike din si Ara! :D
ReplyDeleteSalamat nang marami sa mga comments nyo! :) Nakakatuwang mabasa..:)
ReplyDeleteahaha! natuwa naman ako! very well written! atleast di nakakadiri ang ending ng bike story nya wahaha! at natuto sya magbike. =) continue writing my friend,magsipag ka pa,pati sa pagbike magsipag na rin tayo hehe! miss yah! =)
ReplyDelete-ley
Hahaha, Ley! Salamat! oo nga, kadiri yung bike story mo eh! hihihi.. di bale focus ka muna sa kung anong gusto mong gawin. next time, let's bike ourselves na! :D
ReplyDelete